Pamilyar kaba sa mga aklat na ito ?
Napatawa ka ba nang mga nilalaman nito ?
Alam mo ba kung sino ang sumulat ng walang kadating dating na librong ito ?
Marahil OO ang sagot mo, dahil kung hindi ka UPDATED dito ...
Hindi ka tao.
Bakit? Sikat na sikat at patok na patok ang mga aklat ni BOB-Ong. Hindi naman tayo makakakuha ng napakaraming kaalaman sa mga librong to' dahil unang una nakakatawa pero may mga torya ang mga sinsabi't nilalahad nya sa kwento nya. Yung bang praktikal na praktikal,Mayaman ka man o hindi e matutuwa kang basahin ang mga aklat nya dahil sadyang makakarelate ka.Para syang all in one book e, minsan may mga nakakatawa,nakakasuspense at nakakakilig kahit papaano. Minsan naman e aakalain mong nakuha nya sa buhay ng ibang tao dahil makatotohanan ang dating at posible pa ngang nararanasan mo ang mga nararanasan nya.
Pero marami ang nahihiwagaan kung sino nga ba sya? Miski sino nga atang tagasubaybay sa libro nya e walang nabasang impormasyon na malalaman mo kung sino nga ba sya talaga. Kahit i-search mu magdamag sa NET e walang lalabas na tunay nyang mukha. Nakakapagtaka kung bakit sya ganon, napakamisteryosong tao nya pero ganun pa man e maraming taong naghahangad na malaman kung sino sya.
Sino nga ba syang talaga? Misteryoso..
Ayon sa kanya Roberto-Ong daw ang tunay nyang pangalan pero para sa akin hindi talaga e.. kasi kahit sinong matalinong tao hindi makikita ang tunay na sya kahit hanapin mu sa matalinong google kung sino nga ba syang talaga. Hindi ko alam kung bakit ko naalala ang kaibigan kong si JOEY kapag nababasa ko ang mga Libro ni Bob-Ong. Ex boyfriend ko si Joey pero ni minsan hindi nya inamin ang pangalan nya. Nakakapagtaka yung taong yun hindi nya ipagkatiwala sa lahat ng tao ang tunay na pagkatao nya kahit nga bestfriend wala sya. Nakakatuwang tao si Joey napakatalino nya pero hindi sya nag-aaral nahinto kasi si Joey sa 1styr.college ng humiwalay sya sa buhay nila sa probinsya at namuhay magisa dito sa NAVOTAS sa may Linchangco ata kung tawagin yun. Nung maging kami nang taong yun madami syang sinasabi minsan hindi ko na maintindihan kung ano. Puro salitang nakakatawa pero parang matututo ka. Siguro naiisip mo kung ano ang pakay ko kung bakit ko sya kinukwento hindi ba? Marahil alam mo na kung may utak ka.HAHA kinokompara ko sya kay Bob-Ong at hanggang ngayon ay umaasa akong sya nga yun. Ang labo no? pero pag nakasama mo sya dun mo malalaman. Kahit wala pang Bob-Ong na nauuso nun sa net at wala pang kumakalat na libro nya e may mga nasabi sya sakin na hindi ko makakalimutan pero hindi naglaon e naghiwalay kami ni Joey kasabay nun ang pagkalat isa isa ng mga nasabing Libro ni BOB-ONG. Nagulat ako dahil halos lahat ng mga nasasabi nya sa akin e katulad ng mga nasusulat sa libro ni Bob-Ong.Nakakapagtaka naman kasing mabasa ni Joey yun dahil hindi nga makalabas yung tao na yun para mamasyal sa mall para sumilip man lang ng mga latest na libro kaya nakakapagtakang nasabi nya yun sa akin.Oo imposibleng sya pero hindi mo sya kilala at kilala ko si Joey. Hindi mo alam kung paano ko sya nakilala at nakakwentuhan sa mga bagay bagay. Minsan nga maiisip mo kapag nakatabi mo kaya si Bob-Ong hindi ka kaya manliliit dahil sa lawak nang kaalaman ng taong yun? Pero ako sa twing kasama ko si Joey nuon halos feeling ko nga bumalik ako ng Grade School dahil wala akong alam sa mga sinasabi nya kung minsan muka nga akong tanga. Pero maiintindihan mo ang mga sinasabi nya kung mayroon kang Common sense. Parang si Bob-Ong di mo sya magegets kapag hindi mo pinalawak ang mga sinasabi nya.
Misteryosong tao rin si Joey, hindi sya lumalabas sa bahay kung hindi naman importante pero kahit saanng parte mo nang pilipinas dalhin lahat halos alam nya. Hindi mo nga alam kung mayaman na tao na nilibot na ang buong bansa para makaipon nang aral sa utak.Minsan nga iisipin mo siguro nung napaulan ang dyos ng KATALINUHAN sinalo na nyang lahat with timba at tabo en cap pa siguro dahil sa sobrang dami nyang alam eh uudyukan mo talaga syang sumali nang Who wants to be a millionaire para man lang yumaman sya.Naalala ko nga ang sinabi nya sakin nuon na kapag palabasa ka nang mga aklat e madami kang matutunan. May nakita akong libro sa kwarto nya makapal hindi naman kalakihan pero parang hitik sa kaalaman.
Sa pagkakatanda ko sa sinabi nya sa akin tungkol sa libro na yun e ayun daw ang sumulat nang kwento ni Detective Conan yung anime sa umaga na detective na sobrang talino rin.
Tama sya at naniniwala ako sa sinabi nya. Ang pagbabasa walang kapantay sa lahat ng bagay. kung gusto mong may matutuhan magbabasa ka. wag mu kabisaduhin o gawing libangan para makatulog ka. Intindihin mo at iimagine lang sa sarili mo at mararamdama mu daw na ikaw ang naglalakbay sa istorya kahit hindi naman.
Sa ngayon e wala na akong balita kay Joey. nitext wala na syang padama balita ko nag asawa na. Pero ang sabi nya kung mag aasawa man daw sya e sisiguraduhin nyang hindi maganda at babagay sa kanya. Ayun ang sabi nya sa akin at tama naman ang napili nyang babae,sakto sa gusto nya.Ewan ko din sa sarili ko kung bakit ko sinagot si Joey siguro marahil sa talino nya at hindi na sa itsura o panglabas na kaanyuan.
Maliit syang lalaki,hindi magandang magdamit yun at simpleng simple lang pero praktikal na tao kahit sa harap ng sino man. Hindi sya palamura pero minsan nagagawa nya.Nakakatuwa nga pag nagmumura sya. walang power or Lutong factor na tinatawag.HAHA :D
Maraming talent si Joey sabihin na nating skills na tinatawag. Marunong syang mag gitara,Piano,Drums,maganda ang boses,Matalino at napakataas ng Common sense Level ng taong yun.Hindi ka maiinlove sa una mo syang makikita pero pag nasimulan mo nang makasama sya e dun mo malalaman na mag-aral kapang mabuti.Hehe
Sana sya man o hindi si Bob-Ong masabi nyaa na sa tao.
at kung sino man ang tunay na Bob-Ong ay heto lang ang masasabi ko sayo :
HANGA AKO SAYONG TAO KA ! PERO KUNG SI JOEY KA PROUD NA PROUD AKO SAYO ! IDOL NA KITA :)
Hindi ko ito inalathala para ipaalam na si Joe ay si Bob-Ong gaya nang pagkakaalam nyo misteryoso syang tao at nakatalino lang sayo nang mga ilan ilang guhit.
Sana nga lang malaman ko kung sino si Bob-Ong paglaon nang panahon.
MABUHAY ka ROBERTO-ONG !
No comments:
Post a Comment